Calendar
Gov. Remulla: Cavite isang Marcos country
INENDORSO ni Cavite Gov. Jonvic Remulla si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Idineklara pa ni Remulla na ang Cavite ay isang “Marcos country.”
Sa isang survey na mayroong 1,600 respondents at isinagawa noong Disyembre, sinabi ni Remulla na nakakuha si Marcos ng 62%. Pumangalawa lamang ang Caviteño na si Sen. Panfilo Lacson na nakakuha ng 16%.
Pangatlo naman si Vice President Leni Robredo na may siyam na porsyento at sinundan nina Manila Mayor Isko Moreno na may anim na porsyento at Sen. Manny Pacquiao na nakakuha ng apat na porsyento.
Sinabi ni Remulla na suportado ng mga lokal na opisyal ng probinsya ang BBM-Sara UniTeam.
“Mr. President (BBM) ‘pinapangako na namin ang Cavite ay para sa inyo. ‘Pinapangako na namin ang 800,000 plus votes dito sa Cavite para sa inyo. ‘Pinapangako ko ang lahat ng suporta ng mga mayor ng Cavite sa inyo tandaan nyo, dito sa Cavite sagot na namin lahat. Walang gagastusin ang BBM campaign dito sa Cavite, sagot na namin lahat ‘yan,” sabi ni Remulla sa UniTeam rally sa probinsya noong Biyernes.
Ang Cavite ay mayroong mahigit na 2 milyong botante batay sa datos ng Commission on Elections noong 2019.