Martin2

856 TESDA scholars sa Gingoog City nakatanggap ng tig-P3,000 tulong pinansyal

154 Views

NASA 856 mag-aaral ng TESDA Training for Work Scholarship (TWS) sa lungsod ng Gingoog ang nakatanggap ng tig-P3,000 tulong pinansyal mula sa tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Rep. Yedda Marie K. Romualdez, at Tingog Partylist.

Ipinamahagi ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinatawan ni Deputy Secretary-General Sofonias P. Gabonada Jr. si Speaker Romualdez sa isinagawang payout nitong Marso 21, na siya ring ika-19 na pagtatapos ng Lorenz International Skills Training Academy Inc. (LISTA) sa Arturo S. Lugod Memorial Gym, Gingoog City.

Bukod sa P3,000 cash aid, sinabi ni Gabonada na nakatanggap din ang mga scholar ng P15,000 hanggang P25,000 scholarship mula sa TESDA ang mga nagsipagtapos.

Nakatangagp din ang mga ito ng tig-5 kilo ng bigas.

Si Rep. Christian Unabia ang nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa pagtitipon.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Erick Cañosa, TESDA X Regional Director Dan M. Navarro, LISTA School President Maggie Gudella Z. Tse at Ms. Karla Estrada ng Tingog Partylist.