DA inalis MSRP sa karne ng baboy
May 16, 2025
Calendar
Provincial
9 nailigtas ng PCG sa nasirang bangka
Peoples Taliba Editor
Dec 4, 2022
255
Views
NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na katao mula sa nasirang motorbanca sa Zamboanga del Norte.
Hinagupit umano malakas na hangin at malalaking alon ang bangka na patungo sa Dipolog City mula sa Hasiman Tanjung, Jolo, Sulu.
Nasira umano ang kahoy na bangka dahilan upang pasukin ito ng tubig alas-3 ng umaga noong Disyembre 2.
Tinangay umano ng alon ang bangka sa Liloy, Zamboanga del Norte at alas-3:40 ng umaga ng maka-ugnayan nila ang PCG.
Ipinadala sa lugar ang MV Empress Amy na siyang nagligtas kina Henry Burong, Deigo Burong, Surafi Anapi, Benjar Luntian, Isa Musa, Aldamer Alih, Boy Saguile, Bader Barahim, at Magno Dalawis.
Hinila rin ng MV Empress Amy ang bangka na nakalubog ang kalahati sa tubig patungong Lamao Port.
2 kelot na sangkot sa droga, boga nalambat
May 16, 2025
SALAMAT LAGUNA PNP
May 16, 2025
May kasong 2 counts ng rape nasakote sa Ilocos Sur
May 16, 2025
SCO vs driver na bumangga sa Cavite, ikinasugat ng 5
May 16, 2025