Vergeiri

910 bagong kaso ng Omicron subvariants naitala

178 Views

NADAGDAGAN ng 910 ang bilang ng naitalang kaso ng Omicron subvariants sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire may naitalang 816 kaso ng BA.5 subvariant.

Sa bilang na ito, 686 na ang recovered, 78 ang undergoing isolation, at ang estado ng nalalabi ay inaalam pa ng DOH. Nasa 560 naman sa kanila ang fully vaccinated at inaalam pa kung nabakunahan na ang iba laban sa COVID-19 o hindi pa.

Ang mga nahawa ng BA.5 subvariant ay matatagpuan umano sa lahat ng rehiyon ng bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan pinakamarami ang nasa Region 6 (309 kaso).

Mayroon ng 1,108 kaso ng BA.5 subvariant sa bansa.

Samantala, nadagdagan naman ng 42 ang bilang ng BA.4 subvariant, ayon kay Vergeire. Sa bilang na ito 36 ang magaling na, lima ang sumasailalim pa sa isolation at inaalam pa ng DOH ang estado ng isang nahawa.

Sa 42 ay 31 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 at inaalam pa ng DOH kung nakapagpabakuna na ang 11.

Mayroon ng 54 kaso ng BA.4 subvariant sa bansa.

May naitala namang 52 bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant.

Ayon kay Vergeire 26 sa mga ito ay fully vaccinated, lima ang partially vaccinated at inaalam pa kung nakapagpabakuna na rin ang iba pa. Magaling na umano sa 49 ang mga ito.

Mayroon ng kabuuang 139 kaso ng BA.2.12.1 sa bansa.