Just In

Calendar

October 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Torre

MMDA GM Torre humingi ng 1 pang linggong leave

Edd Reyes Oct 6, 2026
29 Views

PINALAWIG pa ng isang linggo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang isang buwan niyang leave of absence sa ahensya.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty Don Artes na magtatapos na sana sa Oktubre 8 ang isang buwang bakasyon ni GM Torre subalit humiling na palawigin pa ito hanggang Oktubre 15 dahil sa pagpanaw ng kanyang biyenang babae.

Naghain ng boluntaryong pagbabakasyon si Torre upang bigyang daan ang imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa Fortuner ni Torre na dumaan sa EDSA Busway at natuklasang ibang plaka ang inilagay at hindi rin awtorisado maglagay ng MMDA markings at blinkers.