Garin isinusulong pagbabalik ng MAIFIP sa MAP
Oct 26, 2026
Isyu sa YAKAP sa San Antonio hiniling na linawin
Oct 26, 2026
Calendar
Metro
Tricycle driver 3x sinaksak ng kababata, ligtas
Edd Reyes
Oct 6, 2026
104
Views
SUGATAN ang 47-anyos na tricycle driver nang pagsasaksakin ng kababata niya noong Lunes sa Malabon City.
Isinugod sa Tondo Medical Center si alyas Niyoki at naaresto ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission ang suspek na si alyas Ome, ayon sa report.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) director P/BGen. Benliner Capili, nakaupo sa tricycle ang biktima dakong alas-2:00 ng hapon sa Brgy. Longos nang pa-traydor siyang undayan ng tatlong saksak sa katawan ng suspek.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga pulis upang matukoy ang motibo ng suspek sa pananaksak.
Tumangging magsalita ang suspek tungkol sa pananaksak sa kanyang kababata.
Obrero nanggulo habang lasing, kapitbahay sinaksak
Oct 26, 2026
‘SECURITY THREAT’ SA DLSU-TAFT INIIMBESTIGAHAN
Oct 26, 2026
Tala, Bagbaguin Cemetery ininspeksyon ni Malapitan
Oct 26, 2026
MPD-2 inaresto 2 suspek sa bigong nakaw, pagdedo
Oct 26, 2026

