Brosas

Gabriela umapela kay PBMM na mapabalik sa Pinas si Cheves

Mar Rodriguez Nov 10, 2022
158 Views

UMAAPELA ngayon ang Gabriela Party List Group sa Kongreso kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mapabalik ng Pilipinas o ma-extradite ang dating United States (US) Diplomat na si Dean Edward Cheves na kasalukuyang nahaharap sa kasong child molestation o panghahalay ng dalwang menor de edad.

Sinabi ni Gabriela Party List Cong. Arlene D. Brosas na dapat aniyang mahatulan ang dating US Diplomat na si Cheves sa ilalim ng batas na ipinatutupad ng pamahalaang Pilipinas. Sapagkat dito sa bansa nangyari ang kinasasangkutan nitong krimen.

Napag-alaman na nakipagtransaksiyon si Cheves sa pamamagitan ng online o cybersex sa dalawang kabataang lalake na may edad na 15 hanggang 16 anyos. Kung saan, binabayaran umano niya ang dalawang menor de edad kapalit ng malalaswang larawan.

Bukod dito, nabatid din na nangyari umano ang nasabing krimen sa panahon ng kaniyang paninilbihan bilang US Embassy Diplomat sa Pilipinas mula taong 2017 hanggang 2021

“Cheves must also be held accountable under our laws as the crimes were committed within our territory. The Department of Justice (DOJ) must exhaust all means to pursue the extradition of Cheves and bring justice to the victims and their families,” dagdag pa ni Brosas.

Nauna rito, nanindigan ang mga kongresista na kinakailangang mapabalik ng Pilipinas o ma-extradite sa bansa Cheves upang dito niya harapin sa Pilipinas ang mga kasong isinampa laban sa kaniya matapos ang ginawa niyang panghahalay sa dalawang batang lalake.