Asian Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo sa PSA Forum.

Kahit walang chess, Pilipinas kumpiyansa sa Asian Para Games

295 Views

KUMPIYANSA si Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na makakamit ng 69-miyembro delegasyon ng Pilipinas ang target na modest finish sa 5th Asian Para Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya, Japan sa Oktubre 18-24.

Gayunman, haharap ang Team Philippines sa hamon ng pagkawala ng chess sa sports calendar kung saan ang naturang sport ay isa sa mga major contributors sa 10 gold, four silver at five bronze medal haul ng bansa sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China noong 2023.

Ayon kay Barredo, 69 na lamang ang mga atleta matapos maaksidente ang isa sa mga dapat sana’y lalahok.

Sasamahan sila ng 49 coaches, 11 PPC officials at iba pang support personnel, kabilang ang mga kinatawan ng Philippine Sports Commission (PSC) at media. Pangungunahan ang delegasyon ni Chef de Mission at National Academy of Sports Executive Director Francis Diaz.

“We are participating in 11 sports, but we are missing the sport that we have done very well in, chess, kasi tayo ang nag-champion lagi. We will try to make up with winning in other sports,” ani Barredo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Inihayag ni Barredo na susubukan nila sa abot na makakaya na maabot ang medal showing sa Asian Para Games sa kabila ng pagkawala ng chess.

“What we have are Angel Otom and Ernie Gawilan are potential medal finishers in Para Swimming, sa Para Athletics, is Alyana Nunez who garnered 2 gold medals sa ASEAN Para Games and we might have potential with Lhey Marie Manginsay sa para table tennis. Sa akin, we will try our best to do better than previous games minus chess,” binahagi ni Barredo.

Magsisilbing ding flagbearer sa opening ceremony ngayong Linggo sina Manginsay at Allain Ganapin ng Para Taekwondo. By Gab Ferreras