AFP

PCG-Honolulu Consul General Arman Talbo tinanggap delegasyon mula AFP

52 Views

AFP1AFP2HONOLULU, Hawaii — Nakipagpulong si Philippine Consulate General in Honolulu Consul General Arman Talbo sa delegasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 2026 na kabahagi ng Indo-Pacific Regional Military Women, Peace and Security (WPS) Advisor Course sa Honolulu na nagsimula noong Oktubre 3 at gaganapin haggang Oktubre 17, 2026.

Binigyang-diin ni Konsul Heneral Talbo na ang pakikibahagi ng delegasyon sa nasabing kurso—na nagtitipon sa mga kinatawan mula sa 20 bansa sa Indo-Pacific—ay nagbibigay ng pagkakataong magbahaginan ng mga karanasan at pinakamahuhusay na pamamaraan (best practices), pati na rin ang pagpapalalim ng pag-unawa sa integrasyon ng WPS sa mga operasyon at polisiya.

Binanggit niya na si Col. Ritza Jovellanos (PAF), Assistant Chief ng Office of the Assistant Chief of Staff for Reserve Force Development, ay dumalo sa kurso noong 2024 at nagbalik ngayong taon bilang isang instruktor o facilitator.

Nagpahayag ng optimismo si Konsul Heneral Talbo na ang pakikibahagi nina LTC Rachel Facunla at Maj. Lovely Rose Caasi sa kurso ngayong taon ay lalong magpapalakas sa kanilang kakayahang magsilbi bilang mga gender advisor sa loob ng AFP.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Consul Beth Ramos at LTC John Paul Gopela.