MWP Nakorner ng mga operatiba ang suspek sa robbery sa lungsod ng Baliwag, Bulacan.

Binatang magsasaka arestado sa pagnanakaw

Jon-jon Reyes Oct 16, 2026
80 Views

TIMBOG ang isang 36-anyos na binata sa mga operatiba ng MPD Moriones Police Station 2 dahil sa kasong pagnanakaw sa Candaba Road, Brgy. Hinukay, Baliwag City noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Roberto, 36, binata, magsasaka at naninirahan sa Brgy. Mangga, Candaba, Pampanga.

Ayon sa pulisya, bandang alas-5:05 ng hapon ng damputin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pamumuno ni PMaj. Genesis Aliling, katuwang ang mga tauhan ng Baliwag City Police Station, at isinilbi ang warrant of arrest sa nasabing akusado.

Inisyu ni Judge Michael De Jesus, Presiding Judge ng RTC Branch 48, San Fernando City, Pampanga para sa krimen na robbery ang warrant.

May inirerekomendang piyansa na P48,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ang akusado ay kabilang sa talaan ng Most Wanted Person at kasalukuyang nakakulong sa Baliwag City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.