Wanted

Wanted sa kasong murder sa Laguna, timbog sa Las Pinas

Edd Reyes Oct 17, 2026
31 Views

AbrahanoTIMBOG ang puganteng wanted sa karumal-dumal na krimen sa lalawigan ng Laguna nang matunton ng pulisya sa pinagtaguang lugar sa Las Piñas City noong Biyernes ng hapon.

Dinakip ng magkasanib na puwersa ng Bay Municipal Police Station ng Laguna Provincial Police Office at Las Piñas City Police Station ang puganteg si alyas “Kalbo”, 44, dakong ala-1:15 ng hapon malapit sa isang convenience store sa Barangay Pamplona Tres.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, ilang ulit ng nakaiwas sa pag-aresto ang akusado sa pamamagitan ng pagtatago sa iba’t-ibang rehiyon mula nang ilabas noong Setyembre 21, 2026 ng Biñan City, Laguna, Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

“We cross boundaries, close in on every hiding place, and serve every warrant without hesitation. A fugitive may change addresses, but cannot change the outcome: justice will find them,” pahayag ni BGen. Abrahano.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng the Las Piñas City Police Station si alyas Kalbo habang hinihintay pa ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Laguna Provincial Jail.