MPD Ang mga arestadong suspek.

‘Shabu’, granada nakuha ng MPD-3 sa dalawang lalaki sa Sta. Cruz

Jon-jon Reyes Oct 17, 2026
27 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Sta Cruz Police ang dalawang lalaki sa Oplan Sita sa pagdadala ng bawal na droga at M67 fragmentation hand grenade sa Tomas Mapua Street kanto ng Mayhaligue Street,Bgy. 332, Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Rico, 40, binata, at residente ng C. Tomas Mapua St., Brgy. 332, Sta. Cruz, Maynila. at alyas “Dustin” 26, binata, walang trabaho, at residente ng Lualhati Street, Brgy. 41, Tondo, Maynila..

Ayon sa report ng pulis, nagsagawa ng Oplan Sita ang Alvarez pulis at inaresto ang mga nasabing suspek sa paglabag sa Seksyon 11 at 12, Artikulo II ng R.A. 9165; P.D. 1866 na sinusugan ng R.A. 9516 (Ilegal na Pagmamay-ari ng Pampasabog); at Artikulo 155 ng RPC (Paglaban at Pagsuway sa Awtoridad).

Nakuha sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na humigit-kumulang isang isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800.

Nasamsam din ang isang digital weighing scale, gunting, rolyo ng foil at susi ng sasakyan mula sa mga suspek.