Shabu

P2.4M shabu nakumpiska, 45 tulak tiklo

27 Views

Shabu1Shabu2Tulak1

KAMPO VICENTE P. LIM, Calamba City Laguna — Swak sa kulungan ang 45 katao habang mahigit sa P2.3 milyong shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa anti-drug operations sa CALABARZON.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) 4A, 34 na operasyon ang ikinasa ng pulisya kung saan nakakumpiska ng humigit-kumulang sa 352.24 gramo ng shabu.

Sapul sa operasyon ng Cainta police ang isang itinuturing na High Value Individual (HVI) na kilala sa alyas na Ara.

Nasamsam sa kanya ang tinatayang nasa 255.79 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,739,372 sa Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Hindi rin nakaligtas sa hiwalay na raid sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal ang dalawa pang suspek na sina alyas Lito (isang HVI) at alyas Jeo (Street-Level Individual).

Nahulihan ang dalawa ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng P340,000.

Kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng pulisya ang 45 naarestong suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.