Volcano Larawan: PHIVOLCS/FB

Kanlaon Volcano nananatili sa Level 2

26 Views

BUMUGA ng abo ang Kanlaon Volcano umaga nitong Oktubre 18, 2026 habang nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan dahil sa pagtaas ng aktibidad nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa ulat ng ahensya, naganap ang ash emission mula alas-6:02 hanggang alas-6:04 ng umaga. Nakabuo ito ng kulay-abong plume na umabot sa 150 metro sa ibabaw ng bunganga ng bulkan bago tinangay patungong timog-kanluran.

Sa 24-oras na monitoring ng PHIVOLCS na inilabas alas-12 ng hatinggabi, naitala ang apat na volcanic earthquake, kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal nang 48 minuto.

Umabot naman sa 1,605 tonelada kada araw ang sulfur dioxide (SO₂) flux noong Oktubre 17. Naitala rin ang malakas na pagsingaw na may plume na hanggang 300 metro ang taas, na tinangay patungong timog-timog-kanluran, timog at timog-kanluran.

Namataan din ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis. Patuloy na pinapayuhan ang publiko na sumunod sa mga babala at abiso ng PHIVOLCS kaugnay ng aktibidad ng Kanlaon.