Calendar
Suspek sa panghahalay ng menor de edad arestado sa OrMin


KAMPO VICENTE LIM — Pagkalipas ng mahigit dalawang dekadang pagtatago, bumagsak sa kamay ng batas ang 61-anyos na lolo sa kasong statutory tape noong Biyernes a Brgy. Balatero, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ang suspek na si alyas Francisco, ay nadakip sa ikinasang manhunt sa ilalim ng Coplan Toralba ng Warrant Section ng Batangas City police, mga operatiba ng Puerto Galera, PRO 4B at RMFB 4A.
Nahuli ang susprk sa tulong nh warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1 ng Batangas City noong ika-5 ng Oktubre, 2026.
Nag-ugat ang kaso ng akusado na kabilang sa Rank 8 Most Wanted Person, noong Abril 2002 sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City kung saan isang kawawang menor de edad ang kanyang nabiktima, ayon kay Regional Director PBGen. Dominic L. Baccay.
Nang dakpin ang akusado, agad na binasahan ng kanyang constitutional rights at nakatutok ang Body-Worn Camera (BWC) ng mga pulis.
Walang inirekomendang piyansa ang hukom para sa akusado na kasalukuyan nang nakakulong sa himpilan ng pulisya.
