Rape

Nanghalay natunton sa sementeryo sa Pasay

Edd Reyes Oct 18, 2026
40 Views

NAARESTO ng mga pulis ang puganteng nahaharap sa kasong panggagahasa sa loob ng sementeryo noong Sabado sa Pasay City.

Sinuyod ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang Pasay City Public Cemetery and Crematorium sa Sgt. Mariano St., Brgy. 148 nang matanggap ang info na nagtatago si alyas Lauro, 42, na wanted sa kasong panggagahasa.

Hindi nabigo ang mga pulis ng matunton sa loob ng sementeryo ang akusado dakong alas-10:10 ng gabi kaya’t naisilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Pasay City Family Court Branch 11 para sa dalawang bilang ng kasong rape at isang bilang ng acts of lasciviousness.

Ayon kay Pasay City Police acting chief P/Col. Robert Baesa, walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa dalawang bilang ng rape habang may inilaang P180,000 na pyansa sa acts of lasciviousness.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Pasay police si alyas Lauro habang hinihintay pa ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Pasay City Jail.