Calendar
1 huli, 1 nakatakas sa pagnenok ng kable sa sementeryo
TIKLO ang isang suspek sa pagnanakaw ng mga cable wires habang dalawa ang nakapuga sa Himlayang Bayan cemetery sa Tanay, Rizal noong Linggo.
Sa ulat ng Tanay police, ang arestadong suspek kinilalang si alyas Jason at ang dalawa na nakatakas kinilalang sina Tatan at Ernesto.
Isang caretaker ng sementeryo ang nagro-routine inspection ng maaktuhan ang suspek na pinuputol sa comfort room ang mga kawad ng kuryente.
Natunugan ng dalawang suspek ang paninita ng caretaker kaya nakatakas bago nakapagsumbong sa mga pulis ang saksi.
Nabawi sa suspek ang nagkalat na pinagputol-putol na kawad sa sahig ng comfort room.
Mahaharap ang arestadong suspek sa paglabag sa RA 7832 o Anti Pilferage Act of 1994.
Nabawi ng mga pulis ang isang itim na Swissgear bag na naglalaman ng 6 na metro ng puting electrical wire na may value na P800.

