Calendar
Source: Batasan QCPD
Dalang rifle ng lalaki na nag-viral sa QC laruan lang
NILINAW ng Batasan Police Station 6 na laruang baril o replika ng pellet gun, at hindi totoong baril, ang dala ng 45-anyos na lalaki na nag-viral matapos makitang may hawak na tila rifle sa IBP Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City, noong Sabado ng hapon, Oktubre 17.
Sa dashcam video, makikitang tumatakbo ang lalaki at tumatayo sa gitna ng kalsada habang hawak ang naturang bagay, dahilan upang magdulot ng takot sa ilang motorista.
Natunton siya ng mga tauhan ng Batasan Police Station 6 sa isang basketball court sa nasabing barangay na hawak pa rin ang toy gun.
Ayon sa pulisya, makikipag-ugnayan sila sa barangay upang mabigyan siya ng angkop na pagsusuri, napag alaman din na wala umano sa tamang pag iisip ang naturang lalaki.
Hinimok naman ang publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at agad iulat sa 911 o 122 ang mga kahalintulad na insidente.

