DMW

4 na Pinoy na nakaligtas sa barko dinalaw ng DMW

Jun I Legaspi Oct 19, 2026
28 Views

DUMALAW ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO)-Dubai, sa apat na nakaligtas na Pilipinong marino na crew ng GFS Pride noong Oktubre 15 upang kumustahin ang kanilang kalagayan matapos ang pagsabog ng naval mine habang naglalayag ang barko sa Strait of Hormuz.

Nasagip ang mga marino noong umaga ng Oktubre 14 bago tuluyang lumubog ang kanilang barko kasunod ng pagsabog.

Pansamantalang nanunuluyan sa Holiday Inn Express ang apat nt asa pangangalaga ng MWO-Dubai.

Nagbibigay ang MWO-Dubai ng pinansyal na tulong at iba pang serbisyong pangkapakanan upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga marino.

Nakikipag-ugnayan ang DMW sa MWO-Dubai upang masubaybayan ang kalagayan ng mga Pilipinong marino at mapadali ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas.