Batamgas

Batangas City Police nangunang PNP station sa CALABARZON

125 Views

BatangasBPPO1

BATANGAS CITY — Wagi at itinanghal bilang Pinakamahusay na Component City Police Station sa buong Rehiyon 4-A (CALABARZON) ang Batangas Component City Police Station (CCPS) para sa buwan ng Setyembre 2026.

Ipinagmalaki ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang prestihiyosong pagkilalang ito na bunga umano ng walang-patid na dedikasyon, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod ng mga pulis-Batangas sa mamamayan.

Pinasalamatan naman ni PLt. Col. Ira A. Morello, ang hepe ng pulisya ng nabanggit na istasyon, ang buong kapulisan, mga partner agencies, at mga residente sa kanilang sama-samang paggawad ng suporta.

Ayon sa pamunuan, ito ay dahil sa matibay na pakikipagtulungan ng komunidad upang mapanatili ang kapayapaan, mapigilan ang krimen, at matiyak ang kaligtasan ng bawat Batangueño.

Aniya, ang nakuhang parangal ay hindi lang isang karangalan kundi isang hamon at panibagong pangako na lalo pang pag-ibayuhin ang tapat, may integridad, at may malasakit na serbisyo para sa bayan.