Angara

Panukalang P5.268T budget para sa 2023 isinalang sa plenaryo ng Senado

125 Views

ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa susunod na taon.

Si Senate Finance Committee chairman Sonny Angara ang nag-sponsor ng panukala isang araw matapos na magbalik-sesyon ang Kongreso.

Sa nabanggit na halaga, sinabi ni Angara na P1.597 trilyon ang automatic appropriations, P3.671 trilyon ang new programmed appropriations at P588 bilyon ang unprogrammed appropriations.

Ayon kay Angara malaking bahagi ng panukalang pondo ang gagamitin sa pagpapatuloy ng mga programa at proyekto na sinimulan ng mga nakaraang administrasyon.

Kasama sa mga ito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTEA), Tulong Trabaho Fund; at Build, Build, Build infrastructure program na ngayon ay tinatawag ng Build Better More.