Calendar
PBBM iginiit kahalagahan ng preemptive evacuation
IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng preemptive evacuation upang malimitahan ang epekto ng bagyo.
Sinabi ni Marcos na dapat gumawa ng paraan ang mga lokal na pamahalaan upang makumbinsi ang kanilang mga residente na lumikas bago pa dumating ang bagyo.
“Preemptive evacuation is always a good idea. Basta maitabi mo ‘yung tao, take them out of the area of danger, then you’re way ahead,” sabi ni Marcos na nanguna sa isinagawang situation briefing sa Antique.
Inamin naman ni Marcos na mahirap magsagawa ng evacuation kung ayaw iwanan ng mga residente ang kanilang mga ari-arian.
“Everywhere ka pumunta problema ang evacuation. Ayaw nilang iwanan ‘yung bahay nila eh. Siyempre you cannot blame them eh… ‘Yung mga bahay nila, ayaw nilang iwanan. Baka kahit na hindi madaanan ng tubig, eh pagbalik nila wala ng laman ‘yun ‘di ba,” dagdag pa ng Pangulo.
Sa Western Visayas, 42 ang napaulat na nasawi at nawawala sa pananalasa ng bagyong Paeng, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Region VI Assistant Regional Director Maria Calpiza Sardua.