FLOW Larawan: MICHELIN Guide/FB

FLOW dagdag Michelin-starred resto sa PH

31 Views

NADAGDAGAN ang mga Michelin-starred restaurant sa Pilipinas matapos makamit ng FLOW sa Makati ang unang Michelin Star sa 2027 selection ng MICHELIN Guide Manila and Environs & Cebu, na inilabas noong Oktubre 29 sa Manila Marriott Hotel.

Napanatili naman ng Helm sa Makati ang Two Michelin Stars nito, habang nanatili rin sa kanilang pagkilala ang walong restaurant na ginawaran ng One Michelin Star noong 2026. Dahil dito, mayroon nang siyam na one-star restaurants sa bansa at isang two-star restaurant.

Sa kabuuan, kinilala ng 2027 Guide ang 127 establisimyento: isang Two-Michelin-Starred restaurant, siyam na One-Michelin-Starred restaurant, 31 Bib Gourmand at 86 Michelin-Selected restaurant.

Kabilang sa 10 bagong Bib Gourmand restaurants ang Apag Marangle sa Pampanga, ATO-AH at Kalipay! sa Cebu, Azela sa Maynila, Balay Dako at Bawai’s Vietnamese Kitchen sa Cavite, BUTCHER BOY sa Las Piñas, C.H.E. Bacolod Chicken House Express sa Makati, Tatang’s Lechon sa Cebu at Tito Boy sa Pampanga.

Mayroon ding 18 bagong Michelin-Selected restaurants, kabilang ang Abé, Digámo, Haliya, Mila’s Tokwa’t Baboy at Tadhanà. Samantala, kinilala rin ang apat na indibidwal sa Special Awards, kabilang ang kauna-unahang Michelin Opening of the Year Award sa Pilipinas.

Ayon sa MICHELIN Guide, kapansin-pansin sa 2027 selection ang lumalakas na pagkilala sa lutuing Pilipino at mga lokal na sangkap. Halos 60 porsiyento ng mga bagong napiling establisimyento ay nagtatampok ng Filipino cuisine, na nagpapakita ng lumalaking pagpapahalaga sa mga rehiyonal na putahe at tradisyong pangkusina ng bansa. Pasted text.txt