5 nominee para pumalit kay Gesmundo inilabas ng JBC
Oct 29, 2026
Calendar
Provincial
Walang pinsalang naiulat sa magnitude 5.6 lindol sa karagatan ng Surigao del Sur
Peoples Taliba Editor
Oct 29, 2026
26
Views
NIYANIG ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatan sa silangan-hilagang-silangan ng Surigao del Sur nitong Huwebes, Oktubre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ang lindol alas-3:31 ng hapon, may lalim na 10 kilometro. Naitala ang sentro nito sa layong 164 kilometro, hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro, at Tandag City, Surigao del Sur.
Wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol, ngunit posible ang mga aftershock, ayon sa PHIVOLCS. Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso ng ahensya.
Larawan: PHIVOLCS/FB
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026
‘Killer’ ng triker na RIT huli ng Cabanatuan police
Oct 29, 2026
