Calendar
2 most wanted timbog sa Rizal
NAGBUNGA ang kampanya ng Rizal Police Provincial Office (PPO) laban sa mga wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng Rodriguez police ang dalawang indibidwal na kabilang sa listahan ng most wanted person noong Huwebes.
Unang naaresto sa Barangay San Isidro si alyas “Fred” sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong acts of lasciviousness.
May inirekomendang piyansang P180,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Isinilbi ng Warrant Section ng Rodriguez police ang warrant of arrest laban kay alyas “Bilog,” 26-anyos, na kabilang sa provincial level moost wanted person.
Nahaharap siya sa dalawang bilang ng paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansang P600,000.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Eleazar R Barber Jr., director ng Rizal PPO, pinaiigting ng kapulisan ang pagtugis sa mga wanted person.

