Calendar
Source: Quezon City Police District/FB
2 suspek sa holdap tiklo
ARESTADO ang dalawang lalaki matapos holdapin ang commuter at tangayin ang cellphone nito sa Loyola Heights, Quezon City, noong Biyernes.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Ron,” 31-anyos, at “Jon,” 19-anyos, parehong taga-Brgy. Pinyahan.
Sa ulat ng Anonas Police Station PS-9, naghihintay ng masasakyan ang biktima sa B. Gonzales at Esteban Abada Streets nang lapitan ng isa sa mga suspek at tutukan ng kutsilyo sa tagiliran.
Habang hinahawakan ng isa ang biktima, tinangay ng kasabwat ang cellphone na nagkakahalaga ng P18,000.
Nakawala ang biktima at humingi ng tulong sa mga taong naroroon kaya tumakas ang mga suspek patungong Katipunan Avenue.
Naaresto si alyas “Ron” ng rumespondeng pulis habang si alyas “Jon” naman ay nadakip ng mga tauhan ng barangay.
Narekober sa mga suspek ang ninakaw na cellphone at kutsilyo na ginamit sa panghoholdap.
Nahaharap ang dalawa sa kasong robbery.

