Oath

Oath taking, general assembly ng LYP ginanap

Gil Aman Nov 14, 2026
56 Views

STA. CRUZ, Laguna – Ginanap ang oath-taking at general assembly ng Laguna Youth Patroller (LYP) sa sports complex dito noong Sabado bilang bahagi ng pagpapakilala sa mga miyembro ng General Student Assembly.

Binigyang-diin ni Gob. Sol Aragones ang kahalagahan ng Laguna Youth Patroller bilang kauna-unahang grupo ng mga mamamahayag na kabataan sa kasaysayan ng lalawigan.

“Napakahalaga sa akin ng Laguna Youth Patrollers dahil kayo ang kauna-unahang grupo ng mga kabataang mamamahayag sa kasaysayan ng Laguna. Matagal ko nang pinangarap na magkaroon ng grupo ng mga kabataan na hindi lamang isang organisasyon, kundi mga kabataang may malasakit sa lalawigan ng Laguna. At nakikita ko ito sa Laguna Youth Patroller,” dagdag niya.

Hinimok ng gobernador ang mga miyembro na maging responsable sa kanilang tungkulin bilang mga batang mamamahayag, lalo na sa pagbabahagi ng impormasyon at pagpigil sa pagkalat ng maling balita.

“Bilang Laguna Youth Patrollers, kayo ang dapat na manguna sa pagtatanggol sa katotohanan at pagpigil sa pagkalat ng fake news. Bilang mga mamamahayag, hindi natin ito dapat pahintulutan. Mahalaga na maging responsable tayo sa bawat impormasyong ating ibinabahagi,” pahayag ni Aragones.