Calendar
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
CAMP OLIVAS, Pampanga – Tiniyak ng Regional Internal Affairs Service 3 (RIAS 3) na nasa “Tamang Bihis” ang mga pulis ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa pamamagitan ng mahigpit na inspeksyon.
Nanguna sa inspeksyon si RIAS 3 Director Brig. Gen. Fermoyle Meno, kasama sina Lt. Willie P. Pineda, PEMS Myra Pagdilao at PMSG April Ann Sarte.
Tinutukan ng mga inspector ang proper wearing ng police uniforms, condition at documentation ng mga firearms at compliance sa mga standard ng police conduct and appearance.
Para kay Meno, layunin din ng inspeksyon na matiyak ang disiplina, propesyonalismo at pananagutan sa mga police personnel.
Ganito rin ang posisyon ni PRO 3 Director Brig. Gen. Jess Mendez at sinabi pa niya na dapat magsimula ang disiplina at propesyonalismo sa mababa hanggang sa nasa mataas na puwesto sa pulisya.
