Dagdag na Kadiwa outlet binuksan

128 Views

BINUKSAN ang iba pang sangay ng Kadiwa outlet sa Metro Manila kung saan maaaring makabili ang publiko ng iba’t ibang produkto sa mas murang halaga.

Kabilang sa mga naidagdag ang outlet sa Caloocan City (Caloocan City Hall-South), Quezon City (VMMC Kadiwa Store, ADC Kadiwa Store-DA Central Office), Paranaque City (Petron station-Bgy. San Antonio, Paranaque City Hall), Pasig City (Petron Station-San Joaquin), Mandaluyong City (Farmers Collectives, The Podium, California Gardens Plaza), Las Piñas City (Shepherd Parish Manuela Pamplona 3, Southland Estate Town House), Makati City (Makati City Hall) at Cainta, Rizal (Liwasang Bayan).

Itinitinda sa Kadiwa outlet ang bigas sa halagang P25 kada kilo at asukal sa P70 kada kilo, mas mura kumpara sa mga palengke at supermarket.

Inilungsad ang Kadiwa ng Pasko project noong Nobyembre 16 sa Mandaluyong City sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kasabay na nagbukas sa naturang araw ang 11 outlet sa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao De Oro, at Koronadal City, South Cotabato.

Sa Nobyembre 29 ay bubuksan ang 28 outlet pa ng Kadiwa.