Calendar
Speaker Romualdez: PH patungo na sa full recovery
NANINIWALA si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na unti-unti ng tinatahak at binabagtas ng bansa ang daan patungo sa tinatawag na “economic recovery” at inaasahang makakamit ang layuning ito bago matapos ang kasalukuyang taon.
Sinabi ni Speaker Romualdez na hindi maglalaon ay matatamo na rin ng bansa ang inaasam nitong pag-unlad at pag-asenso sa pamamagitan ng “economic recovery” bilang target ngayong taon sa unang anim buwang panunungkulan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ipinaliwanag ng House Speaker na kasalukuyang nasa unang yugto na ng “economic recovery” ang Pilipinas at hindi magtatagal ay unti-unti ng uusad ang bansa hanggang sa tuluyan itong makabangon mula sa iba’t-ibang krisis na nagpahirap sa mga mamamayan.
“we are on the first stage to full economic recovery and we are marching tin the right direction,” sabi ni Speaker Romualdez.
Hinihikayat din ni Romualdez ang mga negosyante at ang publiko na makiisa sa kanila sa pagbagtas sa daan patungo sa economic recovery upang sa pagdating ng panahon ay kapwa nila aanihin ang bunga at benepisyo ng progreso at pag-unlad.
Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na binalangkas ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. ang tinatawag na “Agenda for Prosperity” na ang pangunahing layunin ay upang matamo ng bansa ang economic transformation.
“We in congress are one with the President in this mission. The best is yet to come,” dagdag pa ng House Speaker.