BBM2

Papel ng media sa pagkakaisa kinilala ni PBBM

179 Views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papel ng media sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong nito upang mapakalat ang mensahe ng pagsasama-sama.

Sa kanyang pagharap sa mga opisyal ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na ang kanyang plano at ambisyon sa bansa ay maaabot lamang kung magsasama-sama ang mga Pilipino.

“So the pledge of support and to bring our message to the people is an important one. It is something that those of us who are in government consider to be an integral part of whether or not we are successful or not,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na dapat alam at naiintindihan ng lahat ang nais na gawin ng gobyerno at mayroon papel na gagampanan ang mga ito upang maabot ang pangarap na marating ng bansa.

Ang pagapaprating umano ng mensahe ng gobyerno sa bawat Pilipino ay mahalaga upang magsama-sama ang lahat para mapa-unlad ang hinahangad na pag-unlad.

Nagpasalamat si Marcos sa pangako ng RMN na tumulong upang maipaabot ang mensahe ng gobyerno sa publiko.

“Thank you very much for all the years that RMN has been there to clarify things, to make things more understandable for people, and for helping in the national drive to a stronger economy,” sabi ng Pangulo.

Ang RMN ang isa sa pinakamalaking radio network sa bansa.

Ang DXCC, ang unang radio station ng network ay itinayo sa Cagayan de Oro City noong 1952.