Calendar
Ilang gusali nagtamo ng pinsala sa magnitude 5.3 lindol—NDRRMC
NAGTAMO umano ng maliliit na bitak ang ilang gusali kaugnay ng magnitude 5.3 lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon noong Miyerkoles, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Naitala umano ang pinsala sa mga gusali sa Labo, Capalonga, Mercedes, Paracale, Sta. Ana, at Vinzons.
Wala namang naitalang nasawi o malaking pinsala dulot ng lindol. Mayroon ding mga lugar na nawalan ng suplay ng kuryente, tubig, at linya ng komunikasyon.
Naramdaman ang magnitude 5.3 lindol ala-1:05 ng hapon noong Disyembre 7. Ang epicenter nito ay 24 kilometro sa silangan ng Tinaga Island (Vinzons), Camarines Norte at may lalim na isang kilometro.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga sumusunod na Intensity:
Intensity VI – Capalonga, Labo, Mercedes, Paracale, Santa Elena, at Vinzons, Camarines Norte
Intensity V – Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity IV – Burdeos, Panukulan, Patnanungan, Buenavista, Jomalig, Polillo, and Quezon, Quezon; Daet, Camarines Norte; Pamplona, Presentacion, at Ragay, Camarines Sur
Intensity III – City of Manila; City of Taguig; Mauban, Sampaloc, Alabat, Catanauan, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, at Tagkawayan, Quezon; Tanay, Rizal; Boac, at Santa Cruz, Marinduque; City of Iriga, Minalabac, Pili, San Fernando, at Siruma, Camarines Sur; City of Naga; Donsol, Sorsogon
Intensity II – City of Caloocan; City of Makati; City of Malabon; City of Mandaluyong; City of Navotas; Quezon City; Pasay City; City of Pasig; City of Valenzuela; City of Meycauayan, Bulacan; Batangas City, Lobo, Mabini, Talisay, at Tingloy, Batangas; Lucena City, Tayabas City, Pagbilao, Real, General Nakar, Infanta, Lucban, and Perez, Quezon; Buenavista, and Mogpog, Marinduque; City of Legazpi, at City of Ligao, Albay; Goa, San Jose, at Tinambac, Camarines Sur; Binangonan at Cainta, Rizal
Intensity I – Candelaria at Sariaya, Quezon; Pateros; Alfonso, Cavite; Santa Cruz, Laguna; Angono, Rizal
Instrumental Intensities:
Intensity V – Jose Panganiban, at Mercedes, Camarines Norte
Intensity IV – Guinayangan, at Polillo, Quezon; Daet, Camarines Norte
Intensity III – Alabat, Gumaca, Lopez, Mauban, at Mulanay, Quezon; City of Iriga, Pili, at Ragay, Camarines Sur
Intensity II – City of Marikina; City of Navotas; City of Pasig; Infanta, Pangasinan; Dingalan, Aurora; Calumpit, Marilao, Plaridel, Pulilan, at San Ildefonso, Bulacan; City of Gapan, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; Calauag, Dolores, at Lucban, Quezon; Tanay, at Taytay, Rizal; City of Tabaco, Albay; Sagñay, Camarines Sur
Intensity I – City of Malabon; City of Muntinlupa; Quezon City; Pasay City; City of San Juan; Bulakan, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, City of Malolos, Obando, Pandi, at Santa Maria, Bulacan; City of Cabanatuan, Gabaldon, at San Antonio, Nueva Ecija; City of Tagaytay, at Ternate, Cavite; City of Calamba, at Los Baños, Laguna; City of Tayabas, Quezon; City of Lucena; Angono, City of Antipolo, Cainta, at Morong, Rizal; City of Calapan, at Pinamalayan, Oriental Mindoro; City of Legazpi, Albay; Mapanas, Northern Samar.