Vargas

Pagkakapasa ng Kongreso sa Revised National Apprenticeship bill ikinagalak

Mar Rodriguez Dec 13, 2022
189 Views

IKINAGALAK ng isang neophyte Metro Manila congressman ang pagkaka-pruba at pagkakapasa ng Kongreso sa Revised National Apprenticeship Program bill sa ikatlo at huling pagbasa na makakatulong ng malaki para sa mga manggagawang Pilipino.

Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas na layunin ng House Bill No. 6523 na isulong at pag-ibayuhin ang training o pagsasanay ng mga batang manggagawa sektor ng paggawa o labor sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang revised apprenticeship program.

“As our country continues to recover from the economic challenges of the pandemic. More employment and livelihood opportunities await our growing labor force, we must welcome these opportunities with competence and better protection for our workers,” sabi ng mambabatas.

Isa si Vargas sa mga nag-sponsor ng nasabing panukalang batas sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan.

Ipinaliwanag ni Vargas na binibigyang halaga dito ang pag-streamline ng apprenticeship na nagbibigay ng proteksiyon ara sa mga tinatawag na “apprentices” o mga trainee na maaaring makaranas ng “unjust labor practice” sa pamamagitan ng pagkakaloob ng “training allowance ng humigit kumulang na 75% ng mínimum wage.

Pinapurihan din ng kongresista si House Ferdinand Martin Gomez Romualdez kabilang na ang suporta ng House Committee on Labor upang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukalang batas.