Calendar
Metro
Lalaki tiklo sa ‘di lisensyadong boga
Edd Reyes
May 1, 2025
529
Views
ARESTADO ang 44-anyos na lalaki na inireklamo dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril noong Miyerkules sa Malabon City.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Judge Misael Ladaga ng Branch 292, pinasok ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan ang bahay ni alyas Jonel sa Block 40, Arowana Alley, Brgy. Longos dakong alas-9:30 ng gabi.
Nakuha sa bahay ng suspek ang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng apat.
Pinasasampahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

