Dance

T’boli dance humataw sa San Francisco

30 Views

Dance1Dance2Motor1

NIYUGYOG kamakailan ng makulay na kultura at indak ng tradisyong T’boli ang San Francisco matapos ang isang katangi-tanging T’boli Kehetotol Dance Workshop sa Kalayaan Hall ng Philippine Center.

Pinangunahan ang aktibidad ng T’boli Cultural Master at Philippine Master Artist in Residence na si Yebong Lyn Amfan Buti, sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General sa San Francisco at ng kilalang Parangal Dance Company.

Ang aktibidad ay bahagi ng double celebration ng Filipino American History Month at National Indigenous Peoples Month, pati na rin ng ika-80 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Nakisayaw at nakihataw din sila sa ginanap na interactive workshop kasama si Bb. Lyn Buti at Parangal Dance Company

Sinabi ni Konsul Heneral Arnel G. Talisayon na mahalagang panatilihing buhay, kilala, at pinahahalagahan ang boses at pamana ng ating mga katutubong mamamayan para sa mga susunod pang henerasyon.