batang pinoy Maaksyong tagpo sa PSC-Batang Pinoy swimming competitions. PSC photo

Unang ginto sa Batang Pinoy, nakuha ni Cabana

Robert Andaya Dec 18, 2022
414 Views

BANTAY, Ilocos Sur — Napasa-kamay ni swimmer Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gold medal sa Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships sa Quirino Stadium.

Nagpasiklab kaagad ang 12-year-old na si Cabana sa boys 12 years old and under 200m individual medley sa swimming sa kanyang oras na 2:29.50 upang masungkit ang kauna-unahang gold medal sa kumpetisyon na itinataguyod ng PSC sa pamumuno ni Chairman Noli Eala.

Tinalo ni Cabana, na grade 7 student sa International School for Better Beginnings, sina Kevin Bryle Chan ng Valenzuela City at Daniel Jonas Ocampo ng Angeles City.

“Natutuwa po ako at nagulat dahil nag best time ako. Very proud po ako ngayon,” pahayag ni Cabana, na miyembro din ng Swim League Philippines-Behrouz Elite Swimming Team (PSL-BEST).

Si Cabana, na umaasang makakalahok sa Olympics balang araw, ay anak nina Borgy at Bernadette Cabana at kapatid ni Yohnn Mikhael Cabana ng UST relay team.

A first-timer sa Batang Pinoy, si Cabana ay susubok din sa apat na iba pang swimming events — 50m, 100m and 200m butterfly, at 200m freestyle.

Nakasalo sa karangalan sina Kyla Louise Bulaga ng La Union Province at Evenezir Polancos, Jr ng General Santos City, na kapwa wagi ng gold medals.

Si Bulaga ay nagtala ng 2:44:50 upang pataubin sina Makayla Bettina Fetalvero ng Ilocos Sur (2:51:80) at Eunice De Guzman ng Bulacan (2:52:59) sa girls 12-Under 200 meter individual medley.

Samantal, si Polancos Jr., ay nagsumite ng oras na 2:18:50 upang maungusan si Peter Cyrus Dean ng Lucena (2:18:90) and Shan Kervie Medina ng Mabalacat City, Pampanga (2:20:70) in sa boys 13-15 200 meter individual medley.

Ang iba pang mga nagpakitang gilas ay sina Jeanne Dominic Bongotan ng Baguio, Stacey Bernice Requiza ng Davao City, Peter Cyrus Dean ng Lucena and Richelle Anne Callera of Quezon City, lahat sa the 50m backstroke.

Magsisimula ang aksyon sa cycling, chess, athletics, archery at weightlifting, gayundin ang virtual sports na wushu at muay.

Ang nasabing edition ng Batang Pinoy ay sibusuportahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at

Department of Education (DepED) kasama ang MILO Philippines, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.