Sen. Angara

Senator Angara nagbigay ng P5 million sa Batang Pinoy

Robert Andaya Dec 18, 2022
299 Views

TULOY ang suporta ni Senator Edgardo “Sonny” Angara para sa Philippine sports.

Bilang pagpupugay sa mga kalahok sa Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships na kasalukuyang ginaganap sa Vigan, nagbigay ng P5 million si Sen.Angara para sa naturang grassroots development program.

Kasunod nito, nagpasya naman sina PSC Chairman Noli Eala at Commissioner Olivia “Bong” Coo na ipagkaloob ang nasabing financial assistance diretso sa mga atleta.
Ayon sa PSC, tatanggap ng tig P1,000 ang bawat isang atleta.

Sa pinakahuling tala ng PSC at host Ilocos Sur government, higit 6,000 atleta ang kalahok sa six-day competition, na kung saan kalahati ay nasa Ilocos Sur ngayon para sa walong sports.

Ang mga face-to-face events na ginagawa sa Ilocos Sur ay ang archery, badminton, chess, table tennis, swimming, track and field, weightlifting at obstacle racing.

Ang kalahati naman ay kalahok sa online events, na mapapanood via livestreaming sa PSC Facebook at YouTube platforms.

Ang mga ito ay ang arnis, dancesport, judo, karate, muay, pencak silat, taekwondo at wushu.