GSIS

Housing program ilulungsad ng GSIS para sa mga taga-gobyerno sa 2023

218 Views

ILULUNGSAD ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isang housing program sa susunod na taon para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng pagpasok ng GSIS sa isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Layunin ng programa na matulungan ang gobyerno na maabot ang target nitong 6 milyong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program sa loob ng anim na taon.

Makakasama ng GSIS sa programa ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP), at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa programa na iaalok ng GSIS, maaaring upahan ang pabahay ng hanggang 100 taon.

Ang programa ay bukas lamang sa mga first-time homebuyer, mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, at mga minimum wage earner.