21k nagsimbang gabi, bumisita sa Christmas tree, lantern display ng Palasyo

125 Views

MAHIGIT 21,000 katao ang nagsimbang gabi at bumisita sa Christmas tree at lantern display sa Kalayaan grounds ng Malacañang mula Disyembre 17 hanggang 24.

Ayon sa Presidential Security Group (PSG), 2,895 ang dumalo sa Simbang Gabi at 14,988 naman ang pumunta sa “Pailaw sa Kalayaan.”

Ang mga bumisita ay nabigyan din ng libreng puto bumbong, bibingka, at mainit na tsokolate.

Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bahagi ng Malacañang sa publiko.

Binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan na maramdaman ang diwa ng Pasko.

“It is this true and simple love that Christmas represents—the same one that we constantly desire and need—that allows it to be more than just a Christian tradition. Across beliefs, all the generosity and goodwill stirred in this season are welcomed,” sabi ng Pangulo.