Gift-giving tradition ng pamilya Duterte muling isinagawa

139 Views

ISINAGAWA ng pamilya Duterte ang tradisyon nitong gift-giving program para sa mga Dabawenyo.

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa ‘Pahalipay sa Taal’ gift-giving na ginanap sa ancestral house ng kanyang tatay na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Taal Road, Central Park Subdivision, Davao City.

Bukod sa grocery pack, nabigyan ang mga dumalo ng food pack at mga gift certificate.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala naman ng Bise Presidente ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagpapatawad, at pamimigay.

Kasama sa mga nabigyan si Andriana Arcillas, 79, na matiyagang naghintay sa lugar upang personal na mapasalamatan ang Bise Presidente sa gamot at burial assistance na natanggap nito mula pa noong 2015.

Hindi naisagawa ang tradisyonal na gift-giving noong 2020 at 2021 dahil sa ipinatutupad na COVID-19 restrictions.