Bachmann Nag-kamay sina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco at PSC Chairman Richard Bachmann matapos ang simpleng turnover ceremony na ginanap sa PAGCOR Executive Office sa Malate, Manila kamakailan.

PAGCOR nagbigay ng P250 million sa PSC

Robert Andaya Jan 25, 2023
370 Views

WALA ng dapat ipag-alala ang mga atletang Filipino sa kanilang paghahanda para sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at iba pang international competitions ngayong taon.

Ito ay matapos na mag turn-over ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng kabuuang P256.38 million sa Philippine Sports Commission (PSC) nitong nakalipas na Jan. 19.

Ang naturang amount ay bahagi ng mandated contributions ng PAGCOR sa PSC para sa buwan ng November (P124.45 million) at December (P131.93 million) ng nakalipas na taon.

Personal na iniabot ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang mga tseke kay newly-appointed PSC Chairman Richard Bachmann sa isang simpleng turnover ceremony na ginanap sa PAGCOR Executive Office sa Malate, Manila.

“With the amount that we remitted, we hope to contribute significantly to the training of our national athletes for various international competitions and to the further development of Philippine sports. Our future remittances will be bigger as our operations are slowly easing back to normalcy,” pahayag ni Tengco.

Samantala, nagpasalamat si Bachmann sa state-run gaming firm para sa kanilang pinaka- latest na remittances sa PSC.

Sinabi pa ni Bachmann na magiging kapakipakinabang ang naturang pondo sa ginagawang paghahanda ng mga atleta para sa SEA Games, ang biennial competition na kung saan nag overall champion ang bansa nung 2019.

“This is definitely a big help to us as there are already a lot of requests coming from the NSAs (National Sports Associations) for equipment that they need for the training of their athletes for the coming SEA Games. Wala na tayong problema sa pondo pagdating dito,” paliwanag pa ni Bachmann

Bukod sa kanilang remittances, ang PAGCOR ay nagkakaloob din ng mga cash grants sa mga athletes at coaches na nananalo sa mga international competitions sa ilalim ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Ang PAGCOR ay naging instrumental din sa successful staging ng 30th SEA Games sa bansa nung 2019 matapos magbigay ng P842.50 million sa PSC para sa rehabilitation ng mga major sports facilities.

Ilan sa mga nasabing sports facilities ang Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila at Philsports Complex sa Pasig City.

Nagbigay din ng malaking kontribusyon ang PAGCOR sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee para sa hosting ng nasabing sports event.