Romero1

1-PACMAN Party List nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng dating PBA player na si Terry Saldana

Mar Rodriguez Feb 4, 2023
127 Views

NAGPA-ABOT ng tapos puso at marubdob na pakikiramay ang 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes sa pagpanaw ng dating beteranong manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Antero “Terry” Saldana sa edad na 65.

Sinabi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” T. Romero, Ph.D. na hindi basta-basta malilimot ang naging kontribusyon ni Saldana sa larangan ng basketball. Sapagkat hindi aniya matatawaran ang husay na ipinamalas nito noong kaniyang panahon.

Ayon kay Romero, magsisilbing isang magandang halimbawa si Saldana para sa mga kabataan at kasalukuyang generasyon dahil ipinakita nito ang kaniyang determinasyon bilang isang dating manlalaro at nagpamalas din siya ng magandang ehemplo para naman sa mga kapwa nito PBA player.

Kasabay nito, nananawagan din si Romero sa mga dating nakasama ni Salda sa PBA na magpa-abot ng tulong para sa naulilang pamilya ni Saldana. Matapos mapaulat na hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin kinukuha ang labi ng dating PBA player sa morgue ng Quezon City General Hospital.