Alvindia

Alvindia nangako ng reporma sa PhilMech

226 Views

NANGAKO ang pinuno ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na si Dr. Dionisio G. Alvindia na magpapatupad ng mga pagbabago sa ahensya.

Nangako rin si Alvindia na magiging transparent sa paggastos ng pondo at sa pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng makinarya na magagamit ng milyon-milyung magsasaka sa bansa.

Ani Dir Alvindia, ang mga bagong opisyal ay pawang kuwalipikado sa puwesto at may kakayahan sa mga posisyon ng Deputy Director at Division chief dahil lahat sila ay mga empleyado ng PHilMech at may hawak na mas mahusay na mga kwalipikasyon at educational attainment.

Si Dir. Alvindia ay umupo sa puwesto noong Marso 2022 at nangako ito kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na susundin ang mga batas sa pagbili ng mga makinarya at kagamitan sa ilalim ng RCEF mechanization program at coco levy fund, at pagpapatupad ng reporma .