Magsino

Review ng BLAs sa pagitan ng PH at iba pang mga bansa iminungkahi

Mar Rodriguez Feb 6, 2023
199 Views

ITINUTULAK ngayon ng Overseas Filipino Workers Party List Group sa Kamara de Representantes ang pagkakaroon ng isang malalim na pagre-review at assessment sa Bilateral Labor Agreements (BLAs) sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga bansa.

Dahil dito, isinulong ni OFW Part List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang House Resolution No. 743 upang repasuhin ang BLAs sa pagitan ng Pilipinas at 25 bansa para magkaroon ng proteksiyon ang mga OFWs na nagta-trabaho sa mga bansang ito laban sa pang-aabuso at pagmamaltrato.

Sinabi ni Magsino na iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 25 bansa ang nakapaloob sa “Bilateral Labor Agreement” sa pagitan ng Pilipinas na kinabibilangan ng Kuwait, Quatar, United Arab Emirates (UAE) at Italy. Kung saan, hindi kasama sa BLAs ang mga bansang Singapore, Hong Kong, Malaysia, Brunei at Oman.

Ipinaliwanag ni Magsino na layunin ng review o pagre-repaso sa BLAs na matiyak na nabibigyan ng proteksiyon at napapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs laban sa mga pang-aabuso, maltreatment at iba pang uri ng pagmamalabis na nararansan nila.

Nababahala ang kongresista sapagkat ilan sa mga tinatawag na “explicit provisions” kaugnay sa social security, equality of treatment, repatriation at protocols na sumasaklaw naman sa pagsasampa ng kaso at prosecution laban sa nang-abuso ng isang OFW ang hindi nakapaloob sa BLAs.

“With the recent atrocities against our OFWs. It is high time for us to review and assess the substance and effectiveness of our BLAs. It is alarming that most of our BLAs are lacking explicit provisions relating to social security, equality of treatment, repatriation and most importantly on protocols governing the investigation and prosecution criminal offenses committed against OFWs,” paliwanag ni Magsino.