Tugade

LTO gumagamit ng digital ticketing device sa panghuhuli

227 Views

GUMAGAMIT na ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ng digital ticketing device sa panghuhuli.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade ang mga Handheld Mobile Devices ay ipakakalat sa mga naka-duty na tauhan nito upang pumasok sa online system ang LTO ang rekord.

Sa pamamagitan nito ay hindi na rin umano maaaring mabago ang naipasok sa huli sa handheld device.

Kapag ini-scan ang code na nasa likod ng lisensya ay lalabas na ang impormasyon ng nahuli sa device na isang paraan upang malaman kung peke lisensya na iniabot ng drayber.

Ang mga handheld device ay mayroon ring fingerprint scanner at face recognition scanner para malaman kung ang gumagamit ng lisensya ay ang may-ari nito.