LTFRB

Prangkisa ng 25k tradisyonal na jeepney pinalawig ng LTFRB

159 Views

PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng may 25,000 tradisyunal na jeepney.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na pinalawig ng LTFRB ang prangkisa ng mga tradisyonal na jeepney na dapat ay mage-expire sa Abril 30.

Isinasapinal pa ang LTFRB ang guidelies ng ilalabas na extension ng mga prangkisa.

Sa ilalim ng jeepney modernization program ay kailangang bumuo ng kooperatiba ang mga drayber at operator ng tradisyonal na jeepney at ang gamitin na sa pamamasada ay mga modernong jeepney upang makabawas sa polusyon.