MRT3

Bagong ridership record naitala ng MRT-3

135 Views

UMABOT sa 403,128 ang bilang ng mga pasaherong sumakay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) noong Pebrero 8, ang pinakamataas na bilang ng mga sumakay simula Hunyo 2020.

Bago ito, nasa kabuuang 402,741 pasahero ang pinakamataas na naiulat na bilang ng sumakay na pasahero sa MRT-3 noong Pebrero 3, 2023.

Mayroong average na bilang na 18 train sets na tumatakbo sa mainline tuwing peak hours.

Patuloy ang ipinatutupad sa MRT-3 ang mga health and safety protocols gaya ng palagiang pagsuot ng face mask, pagbawal sa pagsalita at pakipag-usap sa telepono, at pagbawal kumain, uminom at paninigarilyo.