Bautista

Mga subway projects pinag-uusapan ng DOTr-JICA

121 Views

PINAG-UUSAPAN ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagtatayo ng mga karagdagang underground railway system sa Metro Manila na tatakbo hanggang sa Cavite.

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa pagharap nito sa Philippine Business Opportunities Forum na idinaos sa Japan.

“As early as now, we are already planning for more subways in Metro Manila because this will ease the traffic,” sabi ni Bautista.

Ayon kay Bautista nasa tatlo hanggang apat na dagdag na subway system ang nasa planning stage.

Posible rin umano na maiuugnay ang mga planong subway sa Metro Manila Subway Project na ginagawa na sa kasalukuyan.