Calendar
Mandaragat na Pinoy patuloy na kukunin ng Japanese shipping companies
TINIYAK ng mga Japanese shipping company kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy itong kukuha ng mga mandaragat na Pilipino.
Nagpasalamat din ang mga Japanese shipping company kay Pangulong Marcos sa pagsuporta nito na mapataas ang kasanayan at kakayanan ng mga seafarer ng bansa.
“The Filipino seafarers play a big role. So having all said, Filipino seafarers are essential to Japanese shipping industry. And so we sincerely and strongly hope that there will continue to be a steady supply of professional and well-trained Filipino seafarers to work alongside us,” sabi ni Junichiro Ikeda, pangulo ng Japanese Shipowners’ Association (JSA) at chairman ng Mitsui OSK Lines kay Pangulong Marcos ng sila ay magpulong.
Sinabi ni Ikeda na inaasahan nila ang lalo pang pagtaas ng antas ng kasanayan ng mga Pilipinong mandaragat bunsod ng mga hakbang na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas.
Hiningi din ng JSA ang tulong ng Pangulo upang matiyak umano ang sapat na suplay ng mga mandaragat.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga Japanese shipping company na patuloy na makikipagtulungan ang kanyang administrasyon upang maging highly-skilled ang mga Pilipinong mandaragat upang makapasa sa kanilang pangangailangan.
“The JSA has the assurance of the Philippine government that we will continue to work together as a team, as partners, in ensuring that your requirements for more seafarers shall be met because, clearly, you care for them very much and they are in good hands while under your employment,” ani Pangulong Marcos.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang itinayong maritime training school ng mga Japanese shpowner sa Canlubang, Laguna at Bataan.