Kishida

PH tutulungan ng Japan na maka-akyat sa Middle Income Country status

Robert Andaya Feb 10, 2023
291 Views

NANGAKO ang Japan na tutulungan ang Pilipinas na maka-akyat sa Middle Income Country (UMIC) status sa 2025.

Ito ang nakasaad sa joint statement ng Pilipinas at Japan na inilabas sa isinagawang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Sinabi ni Pangulong Marcos na naging malalim ang pagpupulong ng dalawang panig at napag-usapan ang mga larangan kung saan maaaring matulungan ng Japan ang Pilipinas.

“And after our meeting, I can confidently say that our Strategic Partnership is stronger than ever as we navigate, together, the rough waters buffeting our region,” sabi ng Pangulo.

“The future of our relationship remains full of promise, as we continue to deepen and expand our engagements across a wide range of mutually beneficial cooperation,” ani Pangulong Marcos.

Nangako naman si Prime Minister Kishida na ipagpapatuloy ng Japan ang paghahatid ng de kalidad na transport infrastructure sa Pilipinas sa gitna ng pina-igting na “Build, Better, More” program ng administrasyong Marcos.

Susuportahan din umano ng Japan ang pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura upang dumami ang produksyon at lumaki ang kita ng mga magsasaka.

“Philippines is Japan’s neighbor across the ocean and is a strategic partner sharing fundamental values. Today, discussion was held with President Marcos on bilateral cooperation on economy, security and defense, and people-to-people exchange, and deepening of cooperation in wide-ranging areas were strongly affirmed,” dagdag pa ni Kishida.